PNA

MAAARING maipagpatuloy ng mga lactating women ang kanilang pagpapasuso matapos mabakunahan ng anumang coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine, ayon sa eksperto.

“For example po ngayon, inuuna natin ang healthcare workers’ group. And this is one, naririnig namin from the field, it is not recommended to discontinue breastfeeding either after or even before vaccination,” pahayag ni Dr. Maria Asuncion A. Silvestre, Health Professionals Alliance Against Covid-19 - Kalusugan ng Mag-Ina member, sa isang online media briefing.

Iniulat ni Silvestre na naglabas ng abiso ang Philippine Pediatric Society noong Marso 21, na nagsasaad na lahat ng COVID-19 vaccines ay maaaring ialok sa mga breastfeeding women matapos ang konsultasyon sa kanilang doktor at hindi pinapayuhan na itigil ang pagpapasuso.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Nabanggit din niya ang isang pag-aaral sa United States hinggil sa prisensiya ng antibodies sa anim na ina na nakatanggap ng COVID-19 shots at nagpatuloy sa magpa-breastfeed.

“This is very preliminary. This is very early evidence that there could be a large potential benefit of a vaccinated person who breastfeeds passing on antibodies against COVID-19 virus to their own infant,” aniya.

Sa nasabing forum, ibinahagi rin ni Silvestre ang kuwento ni ‘Trizia’, isang registered nutritionist-dietician na kumonsulta sa kanya sa sa pamamagitan ng Messenger hinggil sa breastfeeding matapos mabakunahan ng COVID-19.

“She [Trizia] contracted Covid-19 in 2020, she breastfed her baby throughout her Covid-19 illness, she did well, after her vaccination despite mild fever and muscle aches, they both did well and she was back to work after 48 hours,” pagbabahagi ni Silvestre.

Sa kabila ng limitadong datos hinggil sa kaligtasan ng COVID-19 vaccines sa mga breastfeeding women, binigyang-diin ni Silvestre na inirekomenda ng World Health Organization ang pagbabakuna sa mga breastfeeding women kung sila ay bahagi ng priority group para sa inoculation.

Hanggang nitong Marso 23, iniulat ng National Task Force Against Covid-19 na nasa 1,125 600 doses ng COVID-19 vaccines ang naibigay sa Priority Group A1 o front line healthcare workers sa bansa