KINUMPIRMA ng Philippine Olympic Committee (POC) ang pagapruba ng Vietnam SEA Games Organizing Committee sa walong E-sports events na paglalabanan sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre.

Mapapalaban ang Pinoy sa Mobile Legends: Bang Bang – nadomina ng Pilipinas na may tatlong ginto – sa 2019 edition sa Manila, gayundin ang Arena of Valor, PUBG Mobile (Solo and Team), Free Fire (Mobile), League of Legends (PC), FIFA Online 4 (PC), Raid (Crossfire – PC) at League of Legends Wild Rift.

Ninobrahan ni Nguyen Ngoc Thien, ang top official ng 2021 SEA Games at ng 11th ASEAN Para Games, ang nasabing listahan na nagbibigay ng kahandaan para sa mga kalahok na bansa.

Ito ang ikalawang pagkakataon na lalaruin ang eSports sa SEA Games

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!