ni Annie Abad
PATULOY ang selebrasyon ng women’s month ngayon para sa paghahatid ng Philippine Sports Commission (PSC) ng Rise Up! Shape Up! web series.
Tampok ngayon ang tatlong Filipina dancesport champions na sina 2019 Southeast Asian Games dance champs na sina Anna Leonila Nualla, Pearl Marie Caneda, at Mary Joy Renigen.
Si Nualla ay nagwagi ng tatlong hunting medalya sa nakaraang 2019 biennial meet sa mga kategorya ng Viennese waltz, tango, at five-dance.
Si Caneda naman ay tatlong ginto din buhat sa garnered Cha-cha, Samba, at Rumba para sa Latin category ang naiuwi habang si Renigen ay nagwagi ng dalawang gintong medalya para sa waltz at foxtrot at isang silver para sa quick step.
Pangungunahan ni Women in Sports Oversight Commissioner Celia H. Kiram ang nasabing web series upang ipakilala ang kahalagahan ng galing ng kababaihan.
“Dancing engages a person’s entire body as well as the mind. We have so much talent in the country in this field we should recognize. Aside from this, learning the choreography keeps your brain active while the movement addresses heart rate, blood circulation, balance, and muscle movement,” ani Kiram.
Makakasama ng tatlong reyna ng dancefloor ang International choreographer na si Chips Beltran, na siya ring coach at Director ng 2017 at 2016 back-to-back World Hip-Hop International Champions UPeepz.
Nagwagi rin si Beltran sa 2013 at 2015 World Supremacy Battlegrounds Champions na ginanap sa Australia.