ni Nitz Miralles
Nasa Los Angeles si Lovi Poe ngayon, at binisita ang boyfriend niyang si Monty Blencowe.

Mukhang magtatagal siya roon dahil tapos na rin yata ang taping ng Owe My Love series niya sa Primtime ng GMA-7.
Matagal ding long distance ang relasyon nina Lovi at Monty dahil sa pandemic, kaya everytime may free time ang aktres, lipad agad siya sa Amerika. Bumabalik din naman agad siya kapag may project.
Inaabangan ang araw na i-a-announce ni Lovi na magpapakasal at mag-aasawa na siya dahil ang exes niya, may mga asawa na. Pero, kailan nga kaya ito matutupad?
Anyway, magiging dalawa na ang umeereng teleserye ni Lovi sa GMA-7 dahil simula sa Marso 29, mapapanood na rin sa afternoon time slot ang controversial drama series na Ang Dalawang Mrs. Real. Kasama niya rito sina Dingdong Dantes as her husband and Maricel Soriano as the other wife of Dingdong’s character.
Airing pa rin sa gabi ang Owe My Love kung saan, kapareha naman ni Lovi si Benjamin Alves. Rom-com series ang concept nito, may konting drama, but more on comedy, kaya iba ang mapapanood sa kanya sa hapon at sa gabi.