ni Nitz Miralles
ENGAGED na rin ang Kapuso actor na si Dion Ignacio sa ina ng anak niyang si Aileen Sison. Wala pang in-announce na wedding date ang engaged couple, pero may prenups shoot at video na sila na kinunan sa Tanay, Rizal.

In fairness, hindi nilihim ni Dion na may live-in partner siya at may anak na babae. Very proud pa ngang ipinapakita ng isa sa cast ng GMA-7’s Magkaagaw sa mga nakakausap na reporters ang litrato ng anak na nasa kanyang phone. Pati na rin ang picture ni Aileen, pinapakita rin nito.
“May baby na kami. Masarap ang feeling kahit pagod ka sa trabaho dahil excited kang umuwi pagkatapos ng trabaho at inspired ka dahil naghihintay sayo sa bahay ang pamilya mo,” sabi ni Dion.
Matagal na ring plano ni Dion na pakasalan si Aileen at katuwiran nito, “Pakakasalan ko siya siyempre. Sa kanya ako may anak, ayoko ng may ibang babae pa ako na, alam mo yun, may anak ka na sa kanya. Magulo ‘yun kung may iba ka pang babae at ayoko ng magulong pamilya.”
Samantala, napapanood si Dion sa malapit nang magtapos na “Magkaagaw” at natutuwa ang viewers sa kanyang karakter na nagsisi sa mga kasalanang ginawa sa mga karakter nina Klea Pineda at Jeric Gonzales