ni Marivic Awitan

TULOY si Jason Brickman sa PBA matapos lumagda ng kontrata sa Meralco bilang bahagi ng 3x3 team sa 2021 season.

“We’re looking forward to seeing his brand of basketball up close. He’s a veteran playmaker who’s proven himself internationally and we’re excited to have him on board,” pahayag ni Bolts team manager Paolo Trillo.

Ang 29-anyos na si Brickman ay nabigong makapagsumite ng Recognition at Affirmation papers para sa isinagawang PBA Drafting. Produkto ng LIU Brooklyn ang natatanging fourth men’s player sa Division I history na nakapagtala ng 1,000 career assists.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Hindi naman nagpahuli ang TNT Tropang Giga nang kunin si Jeremiah Gray para sa isang taong kontrata bilang isa sa kanilang 3x3 player.

Gaya ni Brickman, si Gray kasama ng lima pang Fil-foreign players na hindi nakasali sa PBA rookie draft dahil sa kabiguang makakuha ng Bureau of Immigration (BI) certification at affirmation mula sa Department of Justine (DoJ).