Ni NORA V CALDERON

Paboritoyatang pagtambalin ng GMANetwork sina Shaira Diaz at Ruru Madrid. Una sana nilang pagtatambal ang action-drama series na Lolong, pero inihahanda pa ang lock-in taping nito, kaya una silang pinagtambal nang mag-guest siya sa The Lost Recipe nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda, at ngayon sila muli ang magkatambal sa first episode ng Season 2 ng drama anthology na I Can See You: On My Way To You.

Ralph at Josh, evicted na sa Bahay ni Kuya

Romantic-drama ang weekly series, hindi kaya magselos ang kani-kanilang love? Open ang relasyon nina Shaira at EA Guzman at sina Ruru at Bianca Umali. Natawa si Shaira, dahil ang tagal na raw nila ni EA, wala na raw silang selosan. Saka ngayon daw ay naiintindihan na ng audience ang pinapanood nila, na acting lamang ang ginagawa nila.

Sa ngayon ay busy ang apat na Kapuso actors, dahil kung magkatambal man sina Shaira at Ruru, may project ding ginagawa si Bianca, ang Legal Wives na isa siya sa asawa ni Dennis Trillo sa serye. Si EAnaman ay isa sa katambal ni Julie Anne San Jose sa Heartful Cafe na mapanood simula sa April 5.

Ang I Can See You: On My Way To You ay mapapanood na simula sa Monday, March 22, after ng First Yaya, sa GMA-7