Ni ARIEL AVENDAÑO
NUEVA ECIJA – Sinunog nang buhay ang isang 63-anyos na lalaking guro matapos umano nitong gulpihin ang suspek sa Bgy. San Pascual sa Sto. Domingo ng nasabing lalawigan, nitong Huwebes ng hapon.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Rolando dela Cruz, at taga-Bgy. San Alejandro, Quezon.
Kaagad namang inaresto ng pulisya ang suspek na si Joebert Gamrot, 20, binata at taga-Bgy. San Pascual.
Sa paunang ulat, dumating ang umano’y lasing na biktima at kaagad pinagsasampal sa ulo ang suspek habang naglalaro ng cellular phone, dakong 5:30 ng hapon.
Dahil dito, kaagad na dumampot ng kahoy ang suspek at pinagpapalo sa ulo si Dela Cruz hanggang sa humandusay.
Pag-amin umano ng suspek sa mga pulis, nagdilim ng husto ang kanyang paningin kaya nagawang sunugin ang biktima.
Iniutos naman kaagad ni Nueva Ecija Police Director Col. Jaime Santos, ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon saa kaso