Ni DANTE A. LAGANA

HABANG rumaratsada sa panghapong teleserye ng GMA-7 ang Magkaagaw hindi pa rin mawala wala ang issue nila Sheryl Cruz at ng Kapuso actor na si Jeric Gonzales kung ano nga ba talaga ang real score ng dalawa.Sa recent segment ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) na “May Pa-Presscon!” bagamat single si Jeric hayagan niyang sinabi na mas matanda ang gusto niya raw sa isang babae.

Pelikula

'Mananapak na!' Claudine Barretto, gaganap bilang 'Inday Sara?'

Aniya, mas may experience mas ok daw, kasi marami raw siyang matutunan. Pagdating sa love at first sight naniniwala naman daw ang aktor. Ani Jeric, “Kapag nakita mo siya, yun na iyon. Hindi ako naniniwala sa physical attributes.”Ahem, mukhang may tinutumbok ang mga pahayag ni Jeric. Kaya naman sa follow up question ng TBATS naitanong na rin kung ano ang namamagitan sa kanila ni Sheryl. Sey ni Jeric, “Ah kami ni Ms. Sheryl Cruz alam ninyo naman naging close kami sa “Magkaagaw” so kung ano man yung friendship namin ngayon ah sa amin na lang iyon. Siguro very close kami, special yun. Giit ni Jeric with full of confidence, sa tingin daw niya siya na raw ang Mr. Dream Boy ni Sheryl.Talaga ba? Well, hintayin nating matapos ang teleserye nila kung magtutuloy tuloy pa rin o maglelevel up ang friendship na mayroon sila Jeric at Sheryl. Yun na!