ni Bella Gamotea

Sa tulong ng mahigpit na checkpoint ng Las Piñas City Police, nabuking ang isang delivery rider sa pagdadala nito ng umano’y iligal na droga na nagkakahalaga ng mahigit P72,000 sa Bgy. Elias Aldana, kamakailan.

Kinilala ni City Police chief, Col. Rodel Pastor, ang suspek na si Mark Gil Terrobias, 40, binata, at taga-Gatchalian Subd., Bgy. Manuyo Dos ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, si Terrobias ay naharang sa isang checkpoint sa Plaza Quezon, Real St., nitong Biyernes ng gabi.

National

Anak ni Anson Que, itinurong mastermind sa pagpatay sa sariling ama

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002