ni Stephanie Bernardino

SINO kaya ang pinatatamaan ni Claudine Barreto?

Relasyon at Hiwalayan

Pampabuwenas? Atong 'tinuka' si Sunshine sa cockfight

Ito ang tanong ng netizens matapos mabasa ang post kamakailan ng 41-anyos na aktres sa Instagram.

“I would rather be known in life as an honest sinner, than a lying hypocrite…”

Na sinamahan pa ng hashtag na “#sideswipe.”

At mukhang gumana naman ito.

Agad napuno ang comment section ng iba’t ibang palagay.

Ilan ang nagsabi na indirect message ito kay Jodi Sta. Maria, ang bagong karelasyon ng kanyang dating asawa na si Raymart Santiago.

Matatandaan nitong nakaraang buwan ay naging isyu ang “unhappiness” ni Claudine sa relasyon ng dalawa.

Makalipas ang ilang araw, nagpost naman si Jodi ng isang inspiring quote sa gitna ng mga rant ni Claudine.

Samantala, ilang netizens naman ang nagkomento na baka naman may kaugnayan ito sa pamangkin ni Claudine, si Julia Barretto, na naging kontrobersiya ang pagsasapubliko ng relasyon kay Gerald Anderson, kamakailan.

Dahil sa dami ng online users na itina-tag sina Jodi at Julia sa post ni Claudine ilang netizens naman ang nakiusap na “Stop the hate na po PLEASE.”

Habang may iba na agad nagbigay ng suporta kay Claudine.

“That’s why we and a lot of people love you Ate @claubarretto! You’re always standing up for truth! Take care always po Ate Clau,” komento ng isa.

“Yung di mo kelangan mag malinis. Mas madali yung ganon,” dagdag pa ng isa.

Ano sa palagay niyo?