Ni NORA V. CALDERON
NAGMAMAY-ARI pala ang actress na si Bea Alonzo ng 16-hectare farm sa Iba, Zambales, ang Beati Firma Farm. Ang meaning ng name ay “Blessed Farm.” Maganda, malinis parang sa ibang bansa ang farm. Ni-launch ni Bea ang kabuuan ng farm sa kanyang YouTube channel last Saturday evening, March 13, titled “Welcome To Our Farm” (Beati Firma Farm Tour Part 1).

Nakuha ni Bea ang farm sa pamamagitan ng actress na si Isabel Rivas na may farm din doon, noon pang 2011, na isang puno at isang tree house lamang ang naroon. Pero ngayon, napakaganda na ng farm, napakaraming punong nakatanim, tulad ng mahogany tree (5,000 daw ito pero nung dumaan ang bagyong Ulysses, isang puno ang nabuwal, pero ngayon ay tumutubo na ulit), mangoes, calamansi, at iba pang fruit-bearing trees, palayan, kaya kumikita na ang farm na pinamamahalaan ng mommy ni Bea at ng katiwala nilang si Doy. Kasama rin ng mommy niya roon ang brother niya at ang wife nito at ang baby girl nila.
Kasama ni Bea, sakay ng golf cart, si Doy, sa paglibot niya sa farm, dahil hindi raw siya kilala ng mga baka, at hinahabol siya. Mayroon ding mga baboy, sheep, ducks, gansa at mayroon na rin silang tilapia fish farm. Organic farm ang tawag ni Bea sa farm niya dahil hindi sila gumagamit ng mga insecticides at antibiotics, mga natural food ang kinakain ng mga hayop doon. May small community na sa loob ng farm dahil ipinagpagawa na ni Bea ng kanilang mga bahay ang mga nagtatrabaho roon.
Mahusay daw mamahala ang mommy niya na taga-Quezon kaya marunong ito tungkol sa farming at masinop ang ina sa perang kinikita niya. Ang tree house na inabutan nila roon ay pinaayos at pinaganda ni Bea, maganda rin at malaki ang bahay na tinitirahan ng family ni Bea roon.