Nanindigan si Atty. Ferdinand Topacio sa pahayag na binitawan niya laban sa magkapatid na Jasmine at Anne Curtis patungkol sa pagbabalandra ng bikini photos sa social media.
Sa panayam ng DZMM Teleradyo nitong Lunes, Marso 9, humingi si Topacio ng paumanhin sa ina nina Anne at Jasmine na si Carmen Ojales.
Ito ay matapos punahin ni Carmen ang pahayag ni Topacio laban kay Jasmine na ang layunin umano ng pagpapaseksi ng huli ay para pagnasahan.
Ngunit sa kabila nito, patuloy pa ring ipinasa ni Topacio ang sisi sa magkapatid na aktres.
Anang abogado, "Nag-aapologize ako sa kaniya [kay Carmen]. Hindi ko po kasi alam na normal para sa inyo na hayaan ang isang babaeng anak na mag-post ng gano'ng pictures.”
“Kasi kung ako po may anak na babae, hindi ko po papayagan na gano'n, e. Pagkatapos, magagalit kayo? [...] Sinasabi ko lang, kung pinagnanasahan kayo ay kasalanan n'yo. Kasi you are provoking,” dugtong pa niya.
Matatandaang kinatigan ni Topacio ang pambabastos ni Quezon City 4th District Rep. Jesus "Bong" Suntay sa gitna ng manifestation nito sa pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay ng impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
Kaugnay na Balita: Atty. Topacio kinatigan si Suntay: 'May nakita kang babae na gusto mong halayin, 'di kasalanan 'yon!'