ni Jhon Aldrin Casinas

Sinabing isang opisyal mula sa University of the Philippine-Philippine Genome Center (UP-PGC) na ang variants of concern - tulad ng UK at South African variants ng coronavirus - ay hindi pa nangingibabaw sa bansa.

“Ang mga variants of concern ay hindi pa po dominant sa bansa,” sinabi ni Dr. Eva Maria Cutiongco-De la Paz, director for Health Program ng UP-PGC sa isang press briefing nitong Huwebes, Marso 11.

“From more than 3,000 sequences na ginawa na po natin na parte ng ating genomic surveillance efforts ng bansa, simula po unang linggo ng January, ang most frequently observed lineage, hindi po variant, lineage is the B.1.63 or the Hong Kong lineage po which comprises about 24%,” dagdag niya.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Tinanong kung ang mga bagong variants ng COVID-19 ay ang pangunahing sanhi ng kasalukuyang pagtaas ng mga bagong kaso, sinabi ni Dela Paz na kailangan ng karagdagang mga pag-aaral at higit pang genome sequencing at surveillance upang matukoy ang dahilan ng pagtaas.

“Hindi pa po natin sinasabi iyan nang may kasiguraduhan. Kailangan pa po nating mas pag-aralan ang mga bagay na ito at makapag-sequence pa po ng virus sa mga samples na galing sa mga lugar na may spike or clustering of cases sa iba’t ibang parte po ng bansa,” sinabi ni Dela Paz said.

Samantala, nabanggit ni Dela Paz ang pagiging pabaya ng publiko sa pagsunod sa minimum health standard protocols bilang isa sa mga posibleng sanhi ng kamakailang pagtaas ng mga bagong impeksyon.

“Ang amin pong naobserbahan ay maaari pong dahil isang taon na po tayong nakikipaglaban sa virus, medyo napagod na po ang ating mga kababayan sa pagsunod. Katulad po ng nasabi ninyo kanina … na nagiging kampante na po tayo,” aniya.

“Kailangan po nating ulitin ang ating mensahe na kailangan po nating pababain ang kaso ng mga virus, kasi kapag pinababa po natin ang mga kaso, bababa din po ang tsansa ng virus na mag-mutate at maminsala sa atin,” dagdag niya.

Sinabi ni Dela Paz na ang variants ng COVID-19 na napansin sa bansa sa ngayon ay ang UK variant at ang South African variants.

Naitala ng Pilipinas noong Huwebes ang pinakamataas na bilang ng mga bagong impeksyon sa isang solong araw ngayong taon, na may 3,749 na mga kaso.

Iniakyat nito ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 bansa sa 607,048.

Nauna nang kinilala ng Department of Health (DOH) ang posibilidad na ang mga bagong variants ay kabilang sa mga dahilan sa likod ng pagtaas ng mga bagong kaso.