ni Marivic Awitan
KINUMPLETO ng F2 Logistics ang 12-team cast ng Premier Volleyball League (PVL) para sa nakatakdang pagbubukas ng unang season ng liga bilang isang professional league sa darating na Mayo 8 sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.
Ilang araw makalipas na paglipat ng mga koponang Cherry Tiggo at Sta. Lucia mula sa Philippine Superliga (PSL), nagpahayag na rin ang F2 Logistics ng kanilang pagsapi sa kauna-unahang pro volleyball league sa bansa. Sa kanilang inilabas na statement, pinasalamatan ng Cargo Movers ang PSL sa kanilang naging kampanya sa liga mula noong 2016.
“It is with grateful hearts that we thank the PSL for being our home for the past five years.Thank you to the officers, management, and staff of the PSL. You have been very dedicated and driven not only to the league, but also to Philippine volleyball,” nakasaad sa statement.
Napag-iwanan ang F2 Logistics sa PSL makaraang magsilipat ang Chery Tiggo, Sta. Lucia, PLDT at Cignal HD sa PVL habang nauna nang nag leave of absence ang Petron, Marinerang Pilipina at Generika-Ayala.
Dahil dito ay inulan sila ng hiling mula sa kanilang mga fans at supporters para lumipat na rin.
Dahil dito, lahat ng aktibong koponan sa bansa na binubuo ng Creamline, Choco Mucho, PetroGazz, Perlas, BaliPure, the Unlimited Athletes Club, Philippine Army, Cignal HD, PLDT, Sta. Lucia, Chery Tiggo at F2 Logistics ay matutunhayan na sa PVL.