ni Marivic Awitan

NAGKAROON ng first round pick sa darating na PBA Rookie Draft ang TNT Tropang Giga makaraang ang inaprubahang three-team trade kung saan kasama nila ang Blackwater at sister squad NLEX.

Dapat ay wala talagang pick sa first round ang Tropang Giga sa darating na draft na gaganapin sa Marso 14, pero napunta sa kanila ang right para sa. No.4 pick na orihinal na hawak ng Road Warriors.

Naunang ipinagpalit ng NLEX ang nasabing first round pick sa Blackwater kapalit nina Roi Sumang, Don Trollano, Maurice Shaw at second round pick ng Bossing sa 2022 Rookie Draft.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ipinagpalit naman ng Blackwater ang nasabing rights sa TNT kapalit nina Simon Enciso, David Semerad, first round pick ng Tropang Giga sa 2023 at second round pick sa 2024.

Mayroon pa ring first round pick ang NLEX - No. 3 pick na nakuha nila sa Blackwater noong nakaraang taon mula rin sa isang 3-team deal na nagdala sa dati nilang big man na si Poy Erram sa TNT. Inaasahang gagamitin ng TNT ang napasakamay na first round pick upang makahanap ng puwedeng ipampuno sa naiwang puwang ng biglaang pagkawala ni Ray Parks Jr. na nagdesisyon hindi lumaro sa darating na 46th season