ni Fer Taboy
Isang mag-ina ang nalunod sa dagat sa Sitio Banca, Barangay Tiglawigan, Cadiz City, Negros Occidental nitong Miyerkules ng umaga.
Sa report ng Cadiz City Police Office(CCPO), pumunta sa dagat si Melanie Juanico Alo, 39-anyos, kasama ang apat nitong anak na mga menor-de-edad upang maligo.
Pagkalipas ng ilang oras, umuwi ang tatlo nitong anak at nagsumbong sa kapatid ni Melanie na si Perlina Caballero na muntik na silang malunod.
Agad namang humingi ng tulong si Caballero sa mga kapitbahay at tumawag ng rescue.
Nang makarating sila sa lugar, wala nang malay si Melanie at ang 11-anyos nitong anak na si “Grace”.
Dinala pa ang mag-ina sa ospital ngunit dineklara nang dead-on-arrival.