Ni ADOR V. SALUTA

TULOY-TULOY ang success ng YouTube channel ni Ivana Alawi, kamakailan lamang ay inanunsiyo nito sa kanyang Instagramaccount na may 11 million subscribers na ang kanyang vlog. Wow.

Tsika at Intriga

Ice Seguerra, natsikang buntis

Nitong Sabado ibinahagi ni Ivana ang magandang balita kasama ang larawan ng kanyang pamilya.

Ang caption: “Happy 11M SUBSCRIBERS YOUTUBE! We love you forever!”

Ngayon isa na si Ivana sa most followed celebrities on YouTube. Nahigitan lang naman niya ang It’s Showtime host na si Vice Ganda na may 4.69 M subscribers, habang medyo dikit sila ni Alex Gonzaga.

Ilan taon pa lamang ang kanyang channel, na nagsimula noong Disyembre 2019 pero lumubo agad ang subscribers.

Sa gitna naman ng magagandang balita para kay Ivana ay hindi rin nito nakakalimutang magbahagi ng kanyang blessings sa kapwa.