Ni DANTE A. LAGANA

KUNG ang mga netizens ay nagtatanong o pinag-uusapan sa kung ano ba talaga ang estado ng relasyon nila Derek Ramsay at Ellen Adarna dahil na rin sa mga post nila sa Instagram. Ngayon, tinuldukan na ng dalawa ang real score ng kanilang relasyon. Umamin na si Derek na in a relationship sila ni Ellen sa isang interview ng PEP.ph sa mismong bahay ni Derek sa Ayala Alabang, Muntinlupa.Hindi na nakapagtataka ang pag-amin mang naganap dahil pareho naman silang single na handang magmahal muli. Matatandaang nagsimula ang lahat sa isang pa-dinner sa bahay ni Derek at magmula noon nagkakasama na sila ni Ellen maging sa pagwo-workout. Kita naman iyon sa mga post nila sa social media. Mukhang nagustuhan na nga nila ang companionship sa isa’t isa. Kumbaga hindi lang sila magkalapit na kapitbahay kundi naging malapit na rin ang kanilang mga puso. Inamin nila Derek at Ellen na isang buwan na ang kanilang pag-iibigan. Kino-consider naman ni Ellen na pakiramdam daw niya ay isang taon na ang nilalakad ng kaning relasyon. Wow! Talagang nagkaroon ng magic at spark sa dalawa. It’s a good thing na inamin na rin nila kung anong mayroon sa kanila. Ang tanong ano kaya ang mga reaksyon ng mga dati nilang karelasyon na sila John Lloyd Cruz at Andrea Torres? Well, ayan ang kaabang abang. Yun na!

Tsika at Intriga

Olats sa politika: Luis, nagtanong alin sa shows niya trip ibalik ng netizens