Ni NITZ MIRALLES
BINALIKAN ni Lovi Poe ang pagre-recording niya ng new single niyang Under sa New York City. Nag-post ang Kapuso actress ng photos habang siya ay nagre-recording ng song na tiyak siyang magugustuhan ng kanyang fans at mahilig sa music.
Post ni Lovi: “Once upon a time in New York. Been keeping this but I can finally share with you. Dreams do come true and mine came in the form of recording and being produced by Grammy award winning producer Omen for my song Under. Was quite nervous in the studio but he really did sprinklme magic on the song. We can’t wait for you guys to hear it tomorrow! Hope you like what we came up with!!!” Narinig namin ang parang intro ng songs at nagpasilip din si Lovi ng ilang eksena sa kanyang music video at magugustuhan nga ang song at ang music video. You can stream the song sa lahat ng platforms at sabi ng mga nakarinig na sa buong song, maganda ang “Under.”
And speaking of Lovi, mataas agad ang rating ng bago niyang series sa GMA-7 na Owe My Love hindi muna nagpapaiyak si Lovi, pinatatawa at pinakikilig muna niya ang viewers sa mga eksena nila ni Benjamin Alves.