SA gitna ng kinakaharap na COVID-19 pandemic, itutuloy ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagdaraos ng Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF).

Ayon kay PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez, pahihitulutan nila angilang inductees na dumalo ng pisikal o virtual sa awarding ceremony na orihinal na nakatakda nitong Nobyembre.

Kabuuang 10 Filipino sports heroes ang iluluklok sa fourth batch ng Hall of Fame at nakatakdang tumanggap ng tig-P200,000.

Sa kasalukuyan, mahigit 40 atletang Pinoy mula noong 1924 hanggang 1994 ang nakatanggap ng nominasyon kasama ang namayapang si Ed Pacheco, naglaro para sa national football at basketball teams.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa Marso 5,ilalabas ng review committee na binubuo ng sports mediamen mula sa broadcast at print ang kanilang short list.