ni Bert de Guzman
Inaapura ng Kamara ang pagbili ng mga bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) para sa mahigit 100 milyong Pilipino kaya pinagtibay agad nito ang House Bill 8648 o ang Emergency Vaccine Procurement Act of 2021 at House Bill 8649.
Sa pagdinig, ipinasa ng House Committee on Appropriations ang HB 8648 na akda ni Speaker Lord Allan Velasco at House Bill 8649 na inakda ni Quirino Rep. Junie Cua.
Layunin ng dalawang panukala na bilisan ang pagbili at pamamahala sa mga bakuna para sa proteksiyon ng publiko laban sa virus