Ni ADOR V. SALUTA

Sa Instagram post ni Erwan Heussaff nitong Miyerkules, February 10, kanyang ibinahagi sa social media at sa kanilang supporters na sila’y nakabalik na ng asawang si Anne Curtis sa Pilipinas kasama ang anak na si Dahlia.

Ellen Adarna, nag-face reveal ng baby girl nila ni Derek Ramsay

Matatandaang lumipad pa-Australia sina Anne at Erwan noong December 2019 para doon isilang ng aktres ang kanilang panganay. Nanganak si Anne noong March 2, 2020. Doon sila inabutan ng pandemya, at ang lockdown at strict travel restrictions ang naging dahilan kung bakit tumagal sila sa Australia ng isang taon.

Kasalukuyang sumasailalim sila sa hotel quarantine.

Ipinost ni Erwan sa Instagram ang 19-second long video na compilation ng random video clips na nagpapakita ng biyahe nila pabalik sa Pilipinas.

Kasama rito ang kanilang flight, ang traffic na sinuong papunta sa hotel, at ang mga pinagkaabalahan nila sa hotel habang naka-quarantine bago ang pagsasailalim ng mag-asawa sa swab test.

Saad ni Erwann sa caption, “Melbourne to Manila and 6 days hotel quarantine done [check emoji] 8 days of Home Isolation to go. Home after 1 year” .

Maalalang sa isang online interview ni Anne noong September 2020, ipinaliwanag nito kung bakit nagdesisyon sila ng asawang huwag munang bumalik sa Pilipinas matapos manganak.

“Given the current situation, na-extend talaga yung stay namin dito because, Imean, if it was just me, no problem. Kaya kong lumipad anytime.

“Pero now, Ihave a little life to think of and she is the top priority. Her safety is the top priority and her health.”

Pabor naman ito sa It’s Showtime host na ginampanan ang pagiging mommy kay Dahlia.

“Honestly, the silver lining of it all is that Dahlia gets both of her parents 24/7. Pareho kami.

“Ithink that’s the beauty of what’s happening now. We get to spend so much time with her. All of our hours are just dedicated to Dahlia,” sey ni Anne.