Ni NORA V. CALDERON

 IPINAKILALA na ng GMA Network ang gumaganap na three brothers na members ng Voltes V: Legacy nitong Lunes, February 8, sa24 Oras.

Ellen Adarna, nag-face reveal ng baby girl nila ni Derek Ramsay

Gumaganap si Radson Flores bilang si Mark. A product of StarStruck ” si Radson at madalas na ring mag-guest sa mga shows ng GMA tulad ng “Pepito Manaloto, Dear Uge, All-Out Sundays.

Ang singer-songwriter na si Matt Lozano naman ang gaganap bilang si Big Bert, second eldest of the Armstrong brothers, and he pilots the Volt Panzer. Unang nakilala si Matt bilang winner ng Singing Baes segment ng Eat Bulaga.

Ang child actor na si Raphael Landicho ang gaganap na si Little Jon, ang bunso sa Armstrong brothers at kilala siyang genius kahit bata pa lamang siya. He pilots the Volt Frigate. Marami nang nagawang teleserye si Raphael sa GMA, isa sa tumatak na show niya ay ang GMA Afternoon prime na Bitag kasama niya sina Max Collins at Jason Abalos.

This week, ipakikilala na rin ng Voltes V: Legacy, ang iba pang cast members, kasama ang gaganap bilang si Steve Armstrong, Jamie Robinson, at ang Boazanian empire. Nauna rito ay nagpakita na ng ma teasers ang serye.

Si Mark Reyes, na kilala bilang director ng Encantadia ng GMA, ang director ng “Voltes V: Legacy,” na based sa Chodenji Machine Voltes V series, a Japanese anime. Wala pang sinasabi ang GMA Network kung kailan ipalalabas ang inaabangang serye.