ni CHARISSA LUCI-ATIENZA

Inanunsyo ng Department of Science and Technology (DOST) kahapon na nakatakda nang magsagawa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine clinical trial ang Janssen Pharmaceuticals sa bansa ngayong linggo.

Ito ang tiniyak ni DOST Secretary Fortunato dela Peña at sinabing layunin ng nasabing clinical trial na mapalakas pa ang pangangalap ng datos nito kaugnay ng bisa ng kanilang bakuna at matulungan din ang gobyerno sa pagpapaigting ng paglaban nito sa virus.

“Ineexpect po natin sila ay magsisimula na. Ang nadinig ko pong plano dahil ito ay sila naman ang nag-i-implement , tinutulungan lang natin sila sa pag-iidentify ng mga lugar kung san gagaiwn ang trials pero ang mukhang mauuna ay Janssen ay within this week maguumpisa na sila,” sabi nito sa isang pagpupulong kahapon.

#WalangPasok: Listahan ng class suspensions sa Feb. 6 dahil sa Bagyong 'Basyang'

Malapit na rin aniyang magsimula ang Sinovac Biotech, at Clover Pharmaceuticals sa kanilang clinical trials sa Pillipinas.

“Yung iba pa katulad ng Sinovac at itong Clover ay either February or March,” ani dela Peña.

Matatandaang pumirma ang Pilipinas ng Confidentiality Disclosure Agreement (CDA) sa 12 vaccine developers kaugnay ng nasabing vaccine trial.

Kabilang sa nasabing kumpanya ang Janssen, Sinovac Biotech, AstraZeneca, Gamaleya Research Institute, Sinopharm Group, Anhui Zhifei, University of Queensland, Adimmune Corporation, Academia Sinica, Tianyuan Biopharma, Bharat Biotech at CureVac