TACLOBAN CITY – Patay ang dalawang senior citizen na magkapatid nang makulong sa nasusunog na bahay sa Sitio Utap, Bgy. Matlang, Isabel, Leyte, kamakailan.

Kinilala ni Isabel, Leyte Marshal Senior Fire Officer 4 (SFO4) Cosmelito Tante, ang dalawa na sina Estrelita Centino, 88 at Conegunda Wenceslao, 78, kapwa biyuda, at taga-nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ni FO3 Kenneth Ian Villaflor, ang insidente ay naganap dakong 11:20 ng gabi ng Huwebes.

Probinsya

10.4°C, naitalang pinakamababang temperatura sa Benguet ngayong 2026

Posible umanong natumba ang ginagamit nilang lampara na naging sanhi ng sunog.

Sa pagtaya ng arson investigator, aabot sa P50,000 halaga ng ari-arian ang natupok sa insidente na patuloy pa ring iniimbestigahan.

-Marie Tonette Marticio