NAGKASUNDO ang Northport at Rain or Shine sa trade para palakasin ang kani-kanilang kampanya sa 2021 season.
Ipinamigay ng Elasto Painters sina Sidney Onwubere at Clint Dolinguez sa Batang Pier kapalit ni big man Bradwyn Guinto.
Naisumite na umano ang dokumento sa PBA office nitong Lunes, ayon sa opisyal na may direktang kinalaman sa usapin.
Naitala ni Onwubere ang best season sa PBA sa nakalipas na taon tangan ang averaged 5.7 puntos at 3.5 rebounds, habang si Doliguez ay may averages na 4.1 points and 1.1 rebounds.
Inaasahang magdadagdag sa ceiling ng rain or Shine ang 6-foot-6 na si Guinto para makasama nina veteran Beau Belga, Norbert Torres, at sophomore Prince Rivero bilang pamalit sa umalis na sina Raymond Almazan at JR Quinahan.