MAKIKIALAM NA!

Ni Edwin Rollon

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino na magbubuo ang Olympic body ng committee upang mangasiwa sa itatakdang unified election sa Philippine volleyball.

Ayon kay Tolentino, nabigyan ng bagong mandato sa naganap na POC Election nitong Nobyembre, bahagi ito ng pagtalima sa kahilingan ng International Volleyball Federation (FIVB) na pangasiwaan ang isang demokratikong halalan upang maisaayos ang membership ng Philippine volleyball sa International body.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nitong Disyembre 7, ipinadala ng FIVB, sa pamamagitan ni Director General Fabio Azevedo, ang ikalawang sulat na humihiling ng ayuda para maisaayos ang Philippine volleyball bago ang gaganaping virtual General Assembly meeting ng FIVB Congress sa Pebrero 5-7. Nauna nang sumulat si Azevedo sa POC nitong Agosto, ayon kay Tolentino.

TOLENTINO

TOLENTINO

“There was already a request from the FIVB some time ago to hold a volleyball election before the FIVB’s general assembly this February,” pahayag ni Tolentino.

“Therefore, we will ask all volleyball stakeholders to cooperate and participate in the elections,” sambit ni Tolentino sa ginanap na POC Executive Board meeting nitong Lunes sa East Ocean Garden Restaurant sa Pasay City.

Wala pang malinaw na panuntunan kung paano matutukoy ng POC ang mga lehitimong volleyball lider at personalities na makikiisa sa isasagawang election.

Naninindigan naman si Philippine Volleyball Federation (PVF) president Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada na hindi inalis ng FIVB ang PVF bilang miyembro sa isinagawang World Congress sa Buenos Aires, Argentina noong 2016.

Sa naturang pulong, inilahad ng PVF, sa pamamagitan ni Dean Jose Roy III, ang tunay na kaganapan ng asosaston sa liderato ng POC at mismong si FIVB president Ary S. Garcia, ang nag-utos para sa pagbuo ng ‘Special Commission’ na magsasagawa ng imbestigasyon sa volleyball sa Pilipinas.

Ngunit, hindi ito kinilala ng liderato noon ni POC president Jose ‘Peping’ Cojuangco at pinagtibay ang pagbuo ng Larong Volleyball ng Pilipinas. INC. (LVPI).

CANTADA

CANTADA

Sa kabila nito, ipinaglaban ni Cantada ang PVF at nitong 2018 World Congress sa Cancun, Mexico, pinagtibay sa botong 94 ng mga miyembro ang ‘non-expulsion’ ng PVF.

“Hindi namin maintindihan kung bakit pilit na binabaligtad ang desisyon ng FIVB Congress. Nang mawala si Mr. Cojuangco, umaasa kami na mabibigyan na ng hustisya ang PVF kaya naman kami ay nakiisa at nagbigay nang paliwanag at mga dokumento.

“For the record, wala ring desisyon ang POC General Assembly na inalis ang PVF bilang miyembro,” pahayag ni Cantada.