Napatay ang isang mekanikong naghuramentado nang barilin isang sniper na pulis matapos na hindi isuko ang dala-dalang baril sa Taguig City, kahapon ng umaga.

Dead on the spot ang suspek na si Sergio Credo,75, at taga- No. 35 Katuray Street, Lower Bicutan sa nasabing lungsod, dahil sa tama ng bala sa ulo.

Sugatan naman ang dalawang biktima ni Credo na sina Lorena Adriano at Jaime Yao, tanod, taga-nasabing lugar.

Sa ulat pulisya, ang insidente ay naganap bahay ng suspek dakong 9:00 ng umaga.

PRO3, nilinaw pagkaaresto sa mga Aeta sa Mt. Pinatubo

Bago ang insidente, naingayan umano ang suspek sa mga trabahor sa isang construction site kaya niya sinita ang mga ito.

Inaawat umano ng dalawang biktima ang suspek hanggang sa bigla na lamang umano silang barilin ni Credo.

Nang dumating ang mga pulis, nagmatigas umano si Credo na huwag isuko ang dalang baril kaya ito binaril ng isa sa mga pulis.

Iniimbestigahan pa rin ng pulisya ang kaso.

-Bella Gamotea