NAGPUNTA sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mom ni Maine Mendoza na si Mary Ann Mendoza para ireklamo ang mga nagpakalat ng fake sex video raw ni Maine. Sa napanood naming video clip, emosyonal ang nanay ni Maine nang humarap sa NBI Cybercrime division para linawin na hindi ang anak
“Hindi siya makatarungan. Lumagay man kayo sa amin bilang magulang siguro mararamdaman n’yo ang sakit na nararamdaman namin na pamilya niya,” pahayag ng ina ni Maine na parang hindi papayag na hindi managot ang mga nasa likod nang pagpapakalat ng sex video raw ni Maine.
Una nang itinanggi ni Maine na hindi siya ang nasa sex video na kumalat at itinanggi na rin ng management niyang All Access to Artists. Binalaan na rin ng management ni Maine ang mga nagpakalat ng sex video na puwede silang masampahan ng kaso sa kanilang ginawa.
Ang maganda sa management ni Maine, na-screenshot ang video at ang convo ng mga nagpakalat ng sex video, kaya lagot kayo!
-Nitz Miralles