Bunsod ng malakas na pag ulan, nagpakawala ng tubig ang Magat Dam sa Ramon, Isabela.
Ang malakas na pag ulan ay bunsod ng alaawang low pressure area (LPA) base sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Isang metro ang binuksan sa isang gate ng dam, dakong 9:00 ng umaga kahapon kaya naman nagpaalala ang PAGASA na maaapektuhan ng posibleng pagbaha ang Ramon, San Mateo, Aurora, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Burgos, Naguilian, at Gamu.
Samantala nasa “above alert level” ang Cagayan River na maaaring magdulot ng pagbaha.
“The whole stretch of the Cagayan River, including major tributaries is likely to rise in the next 12 hours,” ayon sa PAGASA.
Nagtaas na rin ng babala ang pamunuan ng Angat Dam sa posibilidad ng pagbaha dahil sa patuloy na pag-ulan.
Idinagdag ng ahensya, maliit ang posibilidad na maging tropical depression ang naturang mga LPA ngunit magdadala ng mga pag-ulan sa bansa.
-Beth Camia