Asahan ang ipatutupad na bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng bumaba ng 30 sentimos hanggang 40 sentimos ang presyo ng kada litro ng kerosene,10- 20 sentimos na bawas-presyo sa diesel habang mapapako o walang paggalaw naman sa presyo ng gasolina.

Ito ay bunsod na rin ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Nitong Disyembre 22, 2020, nagtaas ang mga kumpanya ng langis ng P0.85 sa presyo ng diesel, P0.80 sa kerosene at P0.75 naman sa gasolina.

National

Oil price hike, asahan ngayong Abril 29

-Bella Gamotea