Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na nadagdagan pa ng 16 na pulis ang nahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID- 19) sa kanilang hanay.

Dahil dito, sinabi ni Joint Task Force COVID Shield chief, Lt. Gen. Guillermo Eleazar, aabot na sa 8,860 ang kabuuang nahawa sa nasabing sakit.

Sa nasabing bilan aniya, naa 10 ang nakaratay sa ospital habang 292 ang nananatili sa quarantine facility.

Sa report ni Eleazar, nitong Disyembre 26, nasa 76,995 pulis ang isinailalim sa RT-PCR test habang nasa 143,057 naman ang wala pang RT-PCR o swab test.

Ikatlong Trillion Peso March, ilulunsad sa EDSA Anniversary

Sa datos ng PNP Health Service, nasa 23 namang pulis ang nakarekober sa sakit kung saan nasa 8,531 na ang total recovery cases ng PNP.

Nananatili naman sa 27 pulis ang nasawi sa virus.

Sa ngayon, aabot na sa 302 active cases ang mahigpit na mino- monitor ng PNP Health Service.

-Fer TABOY