MARAMI ang sumang-ayon sa tweet ni Angel Locsin tungkol sa negative image ng Kapulisan. Pinost nito ang clip ng guesting ng isang bata sa It’s Showtime at tinanong ang bata kung ano ang ibibigay sa pulis dahil hero ang pulis.
Sagot ng bata, “ano pong hero, nambabaril lang yan” at mabuti hindi napikon ang pulis, nakitawa na lang kay Vhong Navarro.
Tweet ni Angel, “Eto ang dapat ingatan ng ating kapulisan na ang “nambabaril” ay hindi dapat maging imahe ng mga magbibigay ng proteksyon at serbisyo sa sibilyan. Takot na po ang mga tao. Nirerespeto ko po ang mga mabubuting pulis at ayokong mawalan ng tiwala ang mga tao. Kailangan po ng pagbabago.”
Nagpahayag ng kanya-kanyang feedback ang netizens at isa sa comment ay “Please run for public office, we need someone like you so we can have a voice.”
Pero, nabanggit na ni Angel na wala siyang balak pumasok sa pulitika. Tama rin naman ang katuwiran nito na hindi niya kailangang maging pulitiko para makatulong na totoo rin naman. Ang daming natutulungan ni Angel bilang ordinary citizen.
-Nitz Miralles