Si Fatuo Bensuoda, chief prosecutor ng The International Criminal Court (ICC) ay naglabas ng pahayag na nagsasabing mayroong “reasonable basis to believe” na ang crimes against humanity ay nangyari sa anti-drug campaign ng Duterte leadership.
Dumepensa agad ang Palasyo at inabing noong Marso 2018 pa umalis sa pagiging miyembro ng ICC ang Pilipinas kaya bilang resulta ay walang jurisdiction ang Korte laban sa ating bansa. Mariin din nilang itinanggi ang state-ordered killings.
Sa panayam ni President Rodrigo Duterte noong 2016 sa British media, maaalalang inanunsiyo niya ang pagpatay sa tatlong taong may kinalaman sa droga habang siya ay mayor pa lamang ng Davao City at nang maging presidente na siya ay inihayag niya ang kanyang intensyon na patayin lahat ng drug addict at inutusan pa ang pulisya sa harap ng national television na patayin ang mga nagtutulak ng droga na maaring mabigyan ng pardon kung sakaling mahatulan sila.
Kamakailan lamang ay sinabi niya na handa siyang makulong kung may nagawan man siyang pagkakamali. Sinagot naman ni Harry Roque ang prosecutor na hindi susundin ng ating bansa ang jurisdiction ng ICC dahil ang Pilipinas ay hindi na nito miyembro.
Ang nakalimutan lamang ni Roque ay ang epekto ng pag-alis ng ating bansa sa ilalim ng Rome Statue ay nangyayari lamang isang taon matapos ang extraction, kaya maiimbestigahan pa rin ng ICC ang bansa tungkol sa anti-crime at human rights violation na nangyari bago ang Marso 2019.
Ang pinakamalaking problema na kinakaharap ng Palasyo ngayon ay ang collective global movement na naninira sa drugs campaign at human rights record ng gobyerno.
Pero tila nakakakuha pa rin ng malaking suporta ang Duterte presidency. Ang World Communion of Reformed Churches na may 100 milyong miyembro sa 110 bansa at may 233 na denominasyon ay tumulong sa pagkalap ng mga dokumento para sa ICC at mapalakas ang laban ng Pilipinas.
Maaaring hindi pabor ang Palasyo sa ginawa nila pero ang epekto nito ay puwedeng makagawa ng pangmatagalan na komplikasyon sa kabila ng mga mabubulaklak na salita ni Roque.
Maligayang Pasko sa lahat!
-Johnny Dayang