SA Sabado, Disyembre 26 na pala ang grand finals ng musical-mystery competition ng TV5, ang Marked Singer Pilipinas kung saan host si Billy Crawford at judge detectives naman sina Aga Muhlach, Cristine Reyes, Matteo Guidicelli, at Kim Molina.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Billy ang hindi niya malilimutang payo mula kay Aga.

“Yung payo ng nag-iisang Boss Aga is hindi masyadong ganoon kaistrikto, hindi na kailangang paligoy-ligoy pa.

“Ang sinabi sa akin ni Boss Aga, ‘You have to save your finances dahil may pamilya ka and, also, you have to be professional still, kahit gaano ka kagaling or hindi magaling, basta magtrabaho nang tama, wala kang tinatapakang iba ay maganda na yung ginagawa mo.

Events

Lotlot, sinabing pareho nang kumakanta sa langit 'Mommy at Mamita' niya

“He’s absolutely right. Everything I do, I do it for my family,” pagsang-ayon ni Billy.

Samantala, sa pamamagitan naman ng Masked Singer Pilipinas natuklasan ni Aga ang pagiging natural comedian ni Matteo, likas na mabait si Billy at natural na ganda ni Cristine.

Habang si Kim naman ay hindi maitago ang pagiging fan ni Aga.

Sa nasabing virtual presscon, natanong rin ang judge detectives ng kanilang resolutions para sa 2021.

Pagbabahagi ni Aga, “I’m so looking forward to losing forty pounds and mas payat pa ako kay Matteo at saka kay Billy.”

Si Matteo ay may kakaibang new year resolution.

“My resolution for next year, siyempre this is my first year as a husband, so my goals, my dream is... it may sound as very, very weird, but I wanna be like a Kuya Aga.”

Nais daw gayahin ng aktor ang pagmamahala ni Aga sa pamilya at pagiging friendly.

“A lot of people look up to him. He really does things very nicely and very well,” dagdag pa ni Matteo.

-Ador V. Saluta