HINDI sang-ayon si Ogie Diaz sa naging paraan ni Nadine Lustre sa pag-alis nito sa Viva Artist Agency (VAA).
Ito ang nilinaw ng comedian at talent manager sa kanyang latest vlog.
Bagamat iginiit nitong he has nothing against Nadine, sinabi ni Ogie na dapat kinilala ng 27-anyos na aktres ang kontrata niya sa kumpanya.
Aniya, “Ano pang silbi ng kontrata kung papairalin… bakit pa pumirma kung papairalin natin ‘yung pag ayaw na ng talent eh aalis na?”
Saad pa ni Ogie, “Sana nagpaalam ng maayos si Nadine at pinakawalan din siya ng maayos ng Viva para walang samaan ng loob.”
Matatandaang nagsampa ng demanda ang VAA sa Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) laban sa actress-singer.
Mabilis naming nag-react ang kampo ni Nadine, na nagdeklarang “welcome” sa kanila ang “complaint” ng VAA, kasabay ng pagpapahayag ng kumpiyansa na “truth will come out” hinggil sa VAA “[being] predatory, oppressive and abusive not only of Nadine but its many other talents.”
-Stephanie Bernardino