MABABASA sa kanyang Instagram ang pasasalamat ni Judy Ann Santos sa Film Academy of the Philippines na nasa likod ng Luna Awards sa pananalo niyang Best Actress sa katatapos na awards night.
“Maraming maraming dapat ipagpasalamat sa kabila ng maraming pagsubok at dagok ngayong taon... maraming salamat sa bumubuo ng film academy of the Philippines sa parangal at recognition na ito... ang mapahanay at makilala ang trabaho kabilang ng mga kapwa ko aktres ay isang napakalaking bagay para sa akin.
Sa bumubuo ng team mindanao lalona kay direk @brillante_mendoza congratulations! Maraming maraming salamat sa pagtitiwala... sa aming napakahusay na DOP @odysseyflores congratulations at sa lahat ng kabilang sa pagbuo ng pelikulang mindanao... para sa atin ang parangal na ito!
Patuloy ang pagkilala sa trabahong ginawa mula sa puso, pagod at luha... bawing bawi na ng bonggang bongga ang paginda ng balakang ko sa pagbubuhat kay aissa buong pelikula! Mabuhay ang pelikulang Pilipino!”
Muling nanalong best actress si Judy Ann para sa pelikulang Mindanao at ang nasabing pelikula ang official entry ng Pilipinas sa Oscars next year. Kasama niya rito si Allen Dizon.
-NITZ MIRALLES