Utas ang tatlong holdaper na nakipagbarilan sa mga operatiba ng Batasan Police Station (PS6) dakong madaling araw sa Quezon City, iniulat kahapon.

Inilarawan ng pulisya ang tatlong napatay na suspek na nasa 35-40 anyos.

Nasamsam sa mga ito ang .38 caliber, .45 caliber pistol, at caliber 9mm revolver. Sa report ni PLt. Col, Romulus Gadaoni, hepe ng PS6, bandang 1:30 ng madaling araw, pumara ng taxi ang dalawang suspek sa Commonwealth Ave. habang nakabuntot sakay ng motorsiklo ang kanilang lookout.

Pagsapit sa Bgy. Greater Fairview, ay hinoldap ng mga suspek ang taxi driver na si Herman Tombiga Jr. at tinangay ang kinita nito na P3,700, driver license, celphone, pati na taxi.

National

Nasa 18M graduates ng high school noong 2024, hindi 'functional literate'

Kaagad na inireport ng taxi driver sa nasabing himpilang pulisya ang insidente. Tinugis ng mga operatiba ng QCPDPS6 sa pamumuno ni PMaj Sandie Caparroso ang mga holdaper at nasukol ang dalawa sa taxi sa Sauyo, Novaliches dakong 3:30 A.M.

Sa halip na sumuko nakipagbarilan ang mga suspek sa mga pulis na ikinamatay ng dalawa.

Pasado 4:00 A.M. naman nang mamataan ng mga operatiba ng PS6 ang lookout sa checkpoint sa IBP Road, Batasan Hills.

Hindi huminto ang suspek at sa halip ay binaril ang mga pulis sa checkpoint na agad gumanti ng putok, at napatay siya.

-Jun Fabon