Sunod-sunod ang mga problemang pinagdaraanan ngayon ng newscaster na si Anthony Taberna.
Una’y ang pagsasara ng Kapamilya network kung saan isa siya sa kinikilalang frontliners sa pagbabalita. Hindi napagkalooban ng bagong prangkisa ang ABS-CBN, kaya’t with his former bosses’ blessings, lumipat siya sa TV5.
Kasunod nito’y ang pagkakasakit ng kanilang panganay na si Zoey, na lumalaban ngayon sa leukemia.
At nitong huli ay ang pagnanakaw ng isang taong kanyang pinagkakatiwalaan sa kanilang negosyo. Hindi man binanggit ni Tunying (palayaw sa broadcaster) na milyones ang ninakaw sa kanila ng asawang si Roselle Tabernasa kanilang Ka Tunying’s reataurant, naging dahilan ito diumano ito ng posibleng pagsasara ng resto dahil sa laki ng perang ninakaw sa kanila.
“Mayroon kaming isang bagay na kanina pa namin pinag-uusapan kung pwede naming i-share dito sa Magandang Buhay,” saad ni Tunying sa panayam sa kanya ng nasabing programa.
“Isipin mo hirap na hirap kami. Alam mo ‘yung pagpapagamot sa katulad ni Zoey, sa kanyang kondisyon, mabigat ‘yun. Minsan napupuntahan niyo itong Ka Tunying’s nadiskubre namin two weeks o three weeks ago lamang na kami pala ay ninanakawan ng taong pinagkakatiwalaan namin dito sa kompanya,” kuwento niya.
“Eh sabi ko napakahirap naman ‘yung ganu’ng sitwasyon at hindi maliit na halaga ‘yung kinuha sa kompanya. Kumbaga kumita ka ng konti sa pagtitinda ng tinapay, iniipon mo ‘yon tapos kukuhain lang ng ibang tao,” pagpapatuloy niya.
“Sobrang sakit sa pakiramdam. Kaya ang sitwasyon namin ngayon ‘yung tao ay inihahanda namin ang kaso sa kanya. Tinitingnan din namin ang pananagutan ng bangko. Kasi malaking halaga [ang kinuha],” aniya pa.
Inamin ang broadcasteter na may posibilad na magsara ang kanilang kumpanya dahil sa nangyaring pagnanakaw.
“Sabi ko nga, kundi namin mareremedyuhan ngayon ang nangyari, masakit man ipinagtapat ko na sa manager namin na baka ihanda natin ang sarili natin sa pagsasara ng komponya. Sobra kasing laki nung nawala kaya napakahirap ng pangyayari ngayon,” malungkot niyang sabi.
-ADOR SALUTA