April 13, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Gigi De Lana, binunyag sakit kaya siya nahimatay!

Gigi De Lana, binunyag sakit kaya siya nahimatay!
Photo courtesy: Gigi De Lana, via Fashion Pulis

Ibinahagi ng singer at aktres na si Gigi De Lana ang naging diagnosis niya mula sa mga doktor na naging dulot ng kaniyang pagkahimatay sa kaniyang gig sa Samal Island City, Davao Del Norte kamakailan. 

Mapapanood sa livestream ni Gigi noong Biyernes, Marso 13, na masaya niyang binati ang fans na nag-alala at kumukumusta sa kaniyang kalagayan. 

“I am getting better. I’m okay. Actually, I forgot to tell you, guys. I want you to listen carefully. I actually confirmed that I have ‘pericarditis,’ which means the lining around my heart is inflamed,” ani Gigi. 

Dahil daw sa sakit na ito, nakakaramdam siya ng biglaang pananakit ng dibdib, na minsan ay nagdudulot ng “discomfort” at pagkatakot. 

Gayunpaman, tiniyak naman ni Gigi na maagap siya sumusunod sa payo ng kaniyang mga doktor.

Tsika at Intriga

Ogie Diaz, dinepensahan si Sarah Lahbati sa paglalako ng mga gamit

“Because of that I sometimes experience sudden chest pain or attacks that can come randomly. It can be uncomfortable and scary at times but the good news is that I’m being closely monitored by my doctors and I’m following their guidance carefully,” saad ng singer. 

Ilan daw sa mga payo ng mga doktor niya ay ipagpatuloy ang kaniyang normal na routine habang binibigyan ng panahon ang katawan na mag-recover. 

“What they advised to me is to continue living my life as normally as possible while giving my body the time it needs to recover,” saad ni Gigi. 

Hinggil naman sa kaniyang kasalukuyang healing at recovery mula sa pericarditis, inamin ng singer na kinakailangan nito ng maraming oras at pasensiya, kaya unti-unti niya itong ginagawa. 

“Healing from this condition takes patience, some days are better than others. But recovery is a process and I’m taking it one step at a time,” kuwento ni Gigi. 

Kaya para daw sa kaniyang fans na nag-aalala, tiniyak niya na nasa maayos siya kondisyon at maagap siyang binabantayan ng mga doktor. 

Ibinahagi rin ni Gigi na pinayagan pa rin siyang mag-perform ng mga ito, basta magpapahinga pa rin ng maayos.

“For those who have been worried, please know that I am okay, and I’m under proper medical care. So please don’t worry. My doctors are allowing me to continue performing and doing my daily activities, as long as I listen to my body and take the rest I need when necessary,” pagtitiyak ng singer. 

Bilang singer, ibinahagi rin ni Gigi na malaking parte ng kaniyang buhay ang musika at pagpe-perform, kaya sa kaniyang recovery journey, kinilala niya ang suporta at pagmamahal ng kaniyang fans dahil isa ito sa mga nagbibigay-lakas sa kaniya. 

“Music and performing have been a huge part of my life. And being able to share that with all of you gives me so much strength and joy. Your support, your messages, your care and love. Help me more than you know,” pagpapasalamat ni Gigi. 

“Thank you for standing by me and understanding, and continuing to support me through everything. I truly appreciate each and everyone of you. So, please continue to keep me in your prayers as I recover,” dagdag pa niya. 

Kaya ipinangako rin ng singer na patuloy niyang inalagaan ang sarili upang maging mas mapabuti pa ang kaniyang kalusugan.  

“I promise, I’m taking care of myself and doing everything I can to be better,” pagtitiyak ni Gigi. 

Matatandaang nakitang nahimatay ang singer matapos ang kaniyang naging gig performance sa Davao noong Marso 7. 

Saad sa official statement ng Tritone Entertainment na nakaramdam si Gigi ng matinding pagod matapos ang performance niya ng kaniyang final song. 

Anila pa, pinasasalamatan din nila ang mga mensahe, suporta, at dasal ng fans bilang tulong sa recovery ni Gigi. 

MAKI-BALITA: Gigi De Lana, nag-collapse sa kaniyang gig sa Samal Island