Maraming supporters ng It’s Showtime ang nagtataka kung bakit never pang nagsama sa isang pelikula sina Vice Ganda at ang Vhong Navarro?

Sinagot ito ni Vhong sa virtual presscon ng Metro Manila Film Festival 2020 entry na Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim na nitong Martes, December 8.

Nakasama na kasi ni Vice ang It’s Showtime co-host nilang si Anne Curtis sa The Mall, The Merrier, isa sa mga official entry ng Star Cinema at Viva Films sa MMFF 2019.

“Ang hirap sa kanyang (Vice) gumawa ng pelikula na co-host niya rin sa It’s Showtime kasi, ‘di ba, palaging napapanood araw-araw? Sa It’s Showtime kasi, lahat ginagawa namin ni Vice,” sabi ni Vhong.

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

Bakit si Anne, nagkasama sila ni Vice sa isang movie?

“With Anne, meron silang hindi pa nagagawa sa It’s Showtime na pwede nilang gawin sa movie.Unlike us, lahat, e. Kumbaga, bigay-todo kami ni Vice sa Showtime.” pahayag ni Vhong.

“Hindi ko kasi alam, baka natatakot siya or natatakot din ang producer na gumawa kami pareho [ng pelikula],” dagdag ni Vhong.

Sabi ni Vhong, baka mabawasan ang manonood sakaling may Vice-Vhong movie dahil araw-araw na silang napapanood sa It’s Showtime. Baka nga magsawa na ang mga tao sa kanila?

“Kasi kung napapanood kami every day, kung ano-ano na ginagawa namin, e, dito ba magbabayad sila for us, napapanood kami [sa TV]?

“Hindi ko pa talaga alam kung papaano. Ako, dun ko lang siya binabasa,” esplika ni Vhong.

-Ador V. SALUtA