BRISTOL (AFP) — Apat na tao ang namatay nitong Huwebes nang sumabog ang isang tangke ng kemikal sa isang waste water treatment plant malapit sa Bristol sa kanlurang England, sinabi ng pulisya.
Ang ikalimang tao ay nasugatan sa pagsabog sa planta sa Avonmouth, ngunit hindi malubha kanyang pinsala.
Sinabi ng pulisya na ang pagsabog ay walang kaugnayan sa terorismo
Sinabi ni Chief Inspector Mark Runacres ng Avon at Somerset Police na ang pagsabog sa planta na pinamamahalaan ng Wessex Water ay naganap sa isang silo na nagtataglay ng mga ginagamot na bio-solid bago pa ito ma-recycle bilang organic soil conditioners.
Emergency services were called to reports of a large explosion at approximately 11:20am (1120 GMT), with fire services leading the rescue operation.
Tinawag ang emergency services sa mga ulat ng isang malaking pagsabog dakong 11: 20 ng umaga (1120 GMT), at nanguna ang mga bombero sa rescue operation..
Sinabi ng pulisya na ang tatlo sa mga biktima ay empleyado ng Wessex Water, habang ang ikaapat ay isang kontratista.