MULING nagdala ng pagkilala ang ABS-CBN sa Pilipinas matapos mag-premiered nitong Nobyembre 21 sa bansang Turkey ang A Mother’s Guilt, na mula sa adaptasyon sa teleseryeng Hanggang Saan, ng Kapamilya Network, ang unang Filipino series na inadapt sa bansa. Ipinalalabas ngayon ang serye sa KANAL D, ang broadcaster ng top selling Turkish series sa buong mundo.
“A Mother’s Guilt is a feat not only for ABS-CBN but for the country as well, as it becomes the first original Philippine series to be greenlit for adaptation on Turkish television. It is a testament to the company’s dedication to creating stories that resonate universally,” pahayag ni Macie Imperial, ABS-CBN International Distribution head.
Patungkol ang serye sa isang single mother na patuloy na ginagambala ng kasalanan niyang ginawa matapos ang isang masamang kasunduan—na pagpatay sa isang lalaki kapalit ng salapi upang ipambayad sa ospital na magsasalba sa buhay ng kanyang anak.
Co-produced ng ABS-CBN at ng leading Turkish production company, ang Limon Yapim, pinagbibidahan ang weekly Turkish series nina Özge Özberk bilang Suna (mother) at Mert Yazıcıoğlu bilang Yusuf (son), kapwa tanyag at matagumpay na talents sa Turkey.
Patuloy ang pagdadala ng ABS-CBN ng kanilang mga kilalang programa sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Simula ngayong taon, maraming sikat na malabas ng kumpanya ang ipinapalabas ngayon sa Africa, Asia, at Latin America.
Sa ngayon, maaaring mapanood ang mga ABS-CBN shows sa Pilipinas sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment’s YouTube and Facebook, at iWant TFC streaming platform.
-Robert Requintina