MULA sa bilang na 16, labing-apat na manlalaro ang aalis sa Linggo bilang bahagi ng Gilas Pilipinas squad na sasabak sa 2021 Fiba Asia Cup qualifiers sa Manama, Bahrain.

Hindi na kasama ng koponan si Allyn Bulanadi matapos nitong magtamo ng "dislocated shoulder" sa kanilang ensayo noong nakaraang linggo sa Laguna.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“We are 16 right now but Allyn got injured so we are now 15," pahayag ni Gilas coach Jong Uichico sa panayam dito sa Radyo 5.

Isa ang 23-anyos na Davaoeno sa mga itinuturing na top gunner ng Gilas.

Sa pagkawala ni Bulanadi, sasandig ang koponan kina Rey Suerte, Kobe Paras, Dwight Ramos, Calvin Oftana, Javi Gomez de Liano at Jaydee Tungcab para sa kinakailangang outside shooting ng Philippine team.

Hindi rin isinama ang Ivorian center na si Angelo Kouame na hindi pa rin tapos ang proseso ng naturalization.

"Actually, 14 lang ang dadalhin namin,” ayon pa kay Uichico.  Marivic Awitan