MAY reaction si Alessandra de Rossi sa pahayag ni Elizabeth Oropesa na “Kaya napagsasabihan na bobo ang ibang mga artista kasi totoo naman. Bobo kasi ang bilis magsalita nang hindi iniisip, bitaw lang nang bitaw.”
Ang reaction ni Alex na mababasa sa kanyang Twitter account ay “I love tita oro and she’s right. Pero wala kaming spokesperson at taga gawa ng alibi. Imagine mo na lang kung meron tapos kung ano ano pa rin pinagsasabi namin. Nakakaloka ‘yun?”
Ang comment na ‘yun ni Elizabeth ay bilang pagsegunda sa pahayag dati ni Arnell Ignacio tungkol sa maling impresyon ng ibang tao na bobo ang mga artista. Kung matatandaan n’yo, sinagot si Arnell ni G. Tongi at nagkaroon sila ng sagutan online.
-NITZ MIRALLES