Tatlo ang naiulat na namatay sa sunog sa Las Piñas City at Muntinlupa City, kabilang ang isang 5-anyos na lalaki kahapon at nitong Biyernes ng gabi, ayon sa pagkakasunod.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), sumiklab ang apoy sa dalawang bungalow-type na pag-aari ng isang Catrina Asido sa Block 11, Lot 14, Camella Homes 1, Bgy. Putatan sa Muntinlupa City, nitong Biyernes, dakong 6:34 ng gabi.

Kaagad namang naapula ang sunog at nadiskubre ang bangkay nina Zozimo Asido,73, at Maricel Asido, 56, dakong 7:17 ng gabi.

Isa namang 5 taong gulang na batang lalaki ang binawian ng buhay sa sunog sa isang residential area sa Santos 3, Bgy. Zapote, sa Las Piñas City, kahapon, dakong 9:00 ng umaga.

Nasawi sa Air India nasa 270 na; pagkilala sa bangkay ng mga biktima, nagpapatuloy!

Sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa halos 60 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos matupok ng apoy ang tinatayang 30 bahay na pawang gawa sa kahoy at light materials.

Dakong 9:52 ng umaga nang ideklarang fireout ang insidente.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng magkahiwalay na sunog at ang kabuuang halaga ng naabong ari-arian.

-BELLA GAMOTEA