SUSULONG ng Philippine Executive Chess Association sa pakikipagtulungan ng Upper Bicutan Chess Club Inc., ang 7th CAPEX Cargo Padala Express International Online Chess Open Chess Championship sa Disyembre 19, 2020 sa lichess.org.

Ipapatupad sa torneong ito ang eleven-round Swiss system format competition na may 3-minute time control format ayon kay tournament director United States chess master Rodolfo "Jun" Panopio Jr., sa event na sinuportahan ni CAPEX Cargo Padala Express CEO Engr.Vergil J. Bargola sa pakikipagtulungan nina PECA president Dr. Fred Paez at NM Homer Cunanan.

Tatangap ang magkakampeon ng P5,000 purse habang ang second hanggang sixth placers ay may nakalaan na tig P2,500, P1,500, P700, P500 at P300, ayon sa pagkakasunod. Habang ang seventh hanggang tenth placers ay mag-uuwi ng tig P250, ang 11th hanggang 15th placers ay tig P200 kung saan ang category winners para sa ctop executive, junior, kiddie at lady ay may cash prizes na tig P500 .

Ang registration fee ay P100 para sa Filipino o local player habang P150 para sa foreigner player.

Angelica Yulo, ibinida training ng mga anak sa Japan