IDINAAN ni Filipino-American YouTuber Bretman Rock sa Twitter ang panawagan hinggil sa malakawang pagbaha sa Cagayan Valley dulot ng ulang ibinuhos ng Bagyong Ulysses.
Sa kanyang Twitter post humiling ng dasal si Bretman para sa kanyang hometown.
“Praying for my Home Town in the Philippines, we were struck with 4 typhoons and childhood home is literally submerged underwater…. I know there are so many things happening in the world right now but I just thought I would bring some awareness to this #prayforcagayan — Bretman Rock Paper Scissors (@bretmanrock) November 13, 2020.”
Nasa 156 barangay mula sa 24 na lugar sa Cagayan ang lubog pa rin sa baha.
Dahil sa Ulysses at monsoon rains, kinailangan magpakawala ng tubig ng Magat Dam matapos itong umabot sa critical levels, na nagdulot ng massive flooding sa Cagayan at Isabela.
-GABRIELA BARON