JAKARTA –Nagpahayag ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ng pag-asa para sa isang “effective and substantive”code of conduct para sa lahat ng aktibidad sa South China Sea.

Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng 37th Asean Summit bilang kasalukuyang pinuno, muling inihayag ni Vietnam Prime Minister Nguyen Xuan Phuc ang determinasyon ng samahana na panatilihin ang “peace, stability, and security” sa South China Sea.

“Asean has also expressed consistently its principled position and a strong commitment to turning the South China Sea, a critical sea lane of the region and the world, into a sea of peace, stability, security, and safety for the free flow of goods, where differences and disputes are settled through peaceful means, where the law is fully respected and observed, and common values are upheld,” aniya.

Binigyang-diin ni Nguyen ang kahalagahan ng 1982 United Nations Convention for the Law of the Sea (UNCLOS) bilang legal framework kung saan maaaring isagawa ang lahat ng aktibidad sa mga karagatan at dagat.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“At the same time, we look forward to the early conclusion of the code of conduct, which is effective, substantive, and consistent with international law, particularly the 1982 UNCLOS,”dagdag pa niya.

Nabanggit din ni Indonesian President Joko Widodo ang halaga ng tungkulin ng ASEAN sa pagpapanatili ng regional peace and stability.

Dahil sa sigalot ng US-China, aniya, normal lamang na naisin ng magkabilang panig na makuha ang simpatya ng ASEAN nations, “[making it imperative for the bloc] to maintain its balance and strengthen mutually beneficial cooperation.”

Binayang-diin din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangangailangan na mapabilis ang pagproseso ng Code of Conduct sa South China Sea upang maisulong ang kapayapaan at katatagan sa nasabing katubigan.

“The Philippines is one with Asean in transforming the South China Sea into a sea of peace and prosperity for all. We are committed to the immediate conclusion of a substantive and effective Code of Conduct in the South China Sea. And if I may add, it has been a long time and it is a long wait,” pahayag ni Duterte.

Noong 2019, nakumpleto na ng ASEAN at China ang unang pagbasa sa draft ng code of conduct na inaunsiyo sa Asean Ministerial Meeting sa Singapore noong nakaraang taon.

Inaasahang paisasapinal ang code of conduct pagsapit ng 2021 upang maresolba ang sigalot sa mayamang katubigan.

Ang South China Sea – ay isang krusyal na saan para sa mahalagang bahagi ng world’s commercial shipping – napalilibutan ito ng Brunei, Cambodia, China, Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Singapore, Taiwan, Thailand, at Vietnam.

Inaangkin ng China ang halos 90 porsiyento ng bahagi nito, na katumbas ng lawak na 3.5 million square kilometro (1.4 million square miles).

‘HEALTH EMERGENCY CENTER’

Ibinahagi rin ni Nguyen na nagkasundo ang ASEAN na itatag ang Asean Center for Public Health Emergencies and Emerging Diseases sa tulong ng Japan.

Mapauunlad, aniya, ng proyekto ang kapasidad ng mga miyembrong bansa sa pagtugon sa mga medical emergencies at banta ng epidemya sa hinaharap.

Dagdag pa ni Nguyen, patuloy ang pagtutulungan ng mga bansa sa ASEAN upang malabanan ang coronavirus pandemic.

Aniya, nasa USD10 million ang ipinangako para sa Covid-19 Response Fund ng ASEAN at gagamitin ang salapi upang makatulong sa anumang bansa kung kinakailangan.

Hanggang nitong Huwebes, higit 1 milyong kaso na ang naitala sa bahagi ng Southeast Asia, kasama ng death toll na halos 25,000.

Indonesia, ang bansang pinakamatinding tinamaan ng pandemya sa rehiyon, na may halos 450,000 cases at 15,000 pagkamatay.

Anadolu